Sagot sa “malisyoso at mababaw” na pagkaunawa ng mga nagpapakilalang “defenders”

Excerpt mula sa pagtuturo ni Kapatid na Eduardo V. Manalo:

“Mga kapatid, bakit ba kayo naakit sa loob ng Iglesia? Kaya ba kayo naakit sa loob ng Iglesia, eh dahil po sa tao o dahil doon sa aral na ating narinig? Sa aral, ‘yan ang ating sinampalatayanan, “incidental” lang kung meron tayong sinampalatayanang Sugo sapagkat bahagi ‘yon ng aral na dapat nating sampalatayanan.”

Ganito naman ang sinasabi ng mga nagkukunwaring may alam sa Doktrina ng Iglesia (mga tiwalag/itiniwalag); mga hindi nakauunawa; mga nagpapakilalang defender: mga mapag-imbento ng kamalian; at hindi magawang sumunod:

Incidental_2

Sagot sa “MALI, BALUKTOT, at MABABAW” na pagkaunawa ng mga nagpapakilalang defenders sa pahayag ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo:

Una, maliwanag po sa pahayag mismo ng Kapatid na Eduardo V. Manalo ang kahulugan ng ginamit niyang salita na “incidental” ukol sa ating sinasampalatayanang pagsusugo.

Ikalawa, ang pagkakagamit ng salitang “incidental” ay ipinaliwanag sa kasunod na kasunod na bahagi ng pangungusap. Ang sabi ng Ka EVM, “sapagkat bahagi ‘yon ng aral na dapat nating sampalatayanan.”

Ang pagsusugo ay talagang bahagi ng mga aral na dapat nating sampalatayanan. Ang katunayan, isa ito sa mga leksiyon na itinuturo sa mga umaanib sa Iglesia at kasama ito sa mga leksiyon sa Pandoktrina na inihanay ng Ka Erdy sapagkat ito ang natutunan niya at itinuro sa kaniya ng Sugo, ang Kapatid na Felix Manalo.

Ikatlo, ang pagkakagamit ng terminong “incidental” ay adjective at hindi noun. Adjective na nangangahulugang “happening in connection with something else: Kaugnay, nauugnay…” (English-Tagalog Dictionary). Synonym o kasingkahulugan ng “related.”

Kaya mapapansin natin ang kababawan (kawalang-muwang) at masamang layunin ng mga pumupuna sa Iglesia at sa pagtuturo ng ating Namamahala, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.