Banta at Panganib sa Seguridad!

Banta at Panganib sa Seguridad: Hanggang ngayon ay wala pa ring ibinibigay na listahan ang mga occupants ng # 36 Tandang Sora sa mga naglalabas-pasok sa nabanggit na compound. Ito’y banta at panganib sa seguridad; Hindi lamang ito banta at panganib sa seguridad kundi illegal occupancy rin; Illegal na nga ang panunuluyan, lalo na ng mga naglalabas-pasok, napakalakas pang kumonsuno ng koryente – hindi naman marunong magbayad; at ni hindi marunong makitungo sa mga nakatalagang bantay.

Banta at panganib na nga sa seguridad, may illegal occupancy pa, malakas pang kumonsumo ng kuryente na hindi naman nagbabayad, at hindi pa marunong makitungo sa mga bantay!

Hindi nyo na ba talaga kilala at alam ang pagsunod at pagpapasakop: sa aral ng Diyos at ni Cristo, sa Pamamahala ng Iglesia, at ngayon maging sa batas?

Ang pinakamabuti n’yong gawin may makilalang muli ang pagsunod at pagpapasakop: sa aral ng Diyos at ni Cristo, sa Pamamahala ng Iglesia, at maging sa batas! Alam n’yo naman ang dapat gawin sapagkat hindi naman kalaban ang Diyos ng pagbabalik-loob, naghihintay lang din naman ang Pamamahala at ang Iglesia.